Patay sa atake ng Israel sa Lebanon, umabot na sa 2,306: sugatan, 10,698

2024-10-15 17:04:44  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 13, 2024 ng Ministri ng Kalusugan ng Lebanon, na umabot na sa 2,306 ang namatay sa mga atakeng panghimpapawid ng Israel sa bansa simula Oktubre 8, samantalang 10,698 naman ang mga sugatan.

 

Dagdag ng ministri, noong Sabado lamang, 51 ang naitalang patay at 174 ang nasugatan sa panibagong atakeng panghimpapawid ng Israel.