Pangkagipitang tulong, ipagkakaloob ng Tsina sa Lebanon

2024-10-08 14:41:17  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 8, 2024 ni Li Ming, Tagapagsalita ng National Agency for International Development Cooperation (NAIDC) ng Tsina, na patuloy na tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Lebanon at Israel, at naganap ang mga atakeng panghimpapawid sa iba't-ibang bahagi ng Lebanon, na nagdulot ng malaking human casualty.

 

Sa kahilingan ng gobyerno ng Lebanon, ipinasya aniya ng gobyerno ng Tsina, na magbigay ng pangkagipitang makataong tulong, sa uri ng mga kagamitang medikal upang ayudahan ang operasyong medikal at pagsagip sa bansa.


Salin: Yu Linrui

Pulido: Rhio