Liham na pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa National Committee on U.S.-China Relations

2024-10-16 16:21:02  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na ipinadala, Oktubre 15, 2024, sa Annual Gala Dinner ng National Committee on U.S.-China Relations, binati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nagkamit ng parangal na si William E. Ford, Chairman at Chief Executive Officer ng General Atlantic, at pinuri niya ang pagsisikap ng komite para pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa iba’t-ibang larangan.

 

Aniya, ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa buong daigdig na may kinalaman sa benepisyo ng mga mamamayan ng dalawang bansa at kinabukasan ng buong sangkatauhan.

 

Sa mula’t mula pa’y, hinahawakan ng Tsina ang relasyong Sino-Amerikano ayon sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamumuhayan, kooperasyon at kapuwa panalong situwasyon.

 

Dagdag pa ni Xi, ang tagumpay ng Tsina at Amerika ay pagkakataon para sa isa’t-isa, at ang dalawang bansa ay dapat maging tulong para sa pag-unlad ng isa’t-isa sa halip ng hadlang.

 

Ang pagiging kaibigan ng Tsina at Amerika ay mabuti sa dalawang bansa at buong daigdig, diin ng pangulong Tsino.

 

Ipinadala din nang araw rin iyon ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang liham na pambati sa gala dinner.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio