Mensaheng pambati sa ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko, ipinadala ng Tsina’t Mongolia sa isa’t-isa

2024-10-16 13:31:05  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Oktubre 16, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Ukhnaagiin Khurelsuh ng Mongolia, ang mga mensahe sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at kasama ng Mongolia, magsisikap ang Tsina para itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, at pasulungin ang pangmatagalan at matatag na pag-unlad relasyon ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Khurelsuh, na kasama ng Tsina, pasusulungin ng kanyang bansa ang pag-uugnay ng kani-kanyang estratehiya ng pag-unlad at Belt and Road initiative para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga Mongoliano at Tsino.

 

Sa parehong araw, ipinadala rin sa isa’t-isa nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Luwsannamsrai Oyun-Erdene ng Mongolia ng mensaheng pambati.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio