Mula sa Jiuquan Satellite Launch Center, matagumpay na inilunsad ng Tsina sa kalawakan, Oktubre 16, 2024 ang Gaofen 12-05 satelayt.
Ang GF12-05 ay pangunahing gagamitin sa pagse-senso ng lupa, pagpaplano ng lunsod, kumpirmasyon ng mga karapatan sa lupa, disenyo ng network ng kalsada, pagtantya ng ani, at pag-iwas at pagbawas sa kalamidad.
Sakay ng Long March 4C carrier rocket, nakarating sa itinakdang orbita ang nasabing satelayt.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio