Jakarta-Bandung High-Speed Railway, ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng operasyon

2024-10-18 16:16:27  CMG
Share with:

Ipinagdiwang Oktubre 17, 2024, sa Jakarta, Indonesia, ang unang anibersaryo ng pagsasaoperasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, na lokal na kinikilala bilang Whoosh.

 

Sa selebrasyon ng anibersaryo, sinabi ni Budi Karya Sumadi, Ministro ng Transportasyon ng Indonesia, na ang Whoosh ay resulta ng inobasyon ng Tsina na gawing mas kompetetibo ang Indonesia sa pandaigdigang entablado, partikular na sa Timog-Silangang Asya.

 

Binigyang-diin naman ni Wang Lutong, Embahador ng Tsina sa Indonesia, na ang pangako ng Tsina na magsikap, kasama ng pamahalaan at sirkulo ng negosyo ng Indonesia, para palakasin ang imprastruktura at transportasyon, at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Indonesia.

 

Sinimulan noong Oktubre 17, 2023 ang komersyal na serbisyo ng 142.3-kilometrong high-speed railway at ito ang kauna-unahang uri ng high-speed railway sa Timog-Silangang Asya.

 

Mayroong itong pinakamabilis na 350 kilometro kada oras, at binaba nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Jakarta at Bandung mula sa mahigit tatlong oras hanggang 40 minuto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil