Paglahok ng mga estudyante sa inobasyon ng agham at teknolohiya, inenkorahe ng pangulong Tsino

2024-10-17 15:16:49  CMG
Share with:

Sa kanyang liham kamakailan sa mga estudyanteng lumahok sa China International College Students' Innovation Competition 2024, inenkorahe sila ni Pangulong Xi Jinping Tsina para isulong ang diwa ng agham at aktibong paglahok sa inobasyon ng agham at teknolohiya.

 

Ipinagdiinan niyang ang kabataan ay mahalagang puwersa sa inobasyon at dapat pahalagahan ng buong lipunan ang kapaligiran ng paglaki ng mga kabataan.

 

Inenkorahe niya ang mga kabataan na pasulungin ang pagpapalitan ng agham at teknolohiya ng Tsina at ibang mga bansa.

 

Lumahok sa kompetisyong ito ang mahigit 20 milyong estudyante ng kolehiyo at pamantasan mula sa 153 bansa at rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio