Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Fujian sa silangang baybaying dagat ng Tsina mula Oktubre 15 hanggang 16, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang lalawigan na igiit ang sariling target ng pag-unlad, at gampanan ang nangungunang papel sa modernisasyong Tsino.
Kailangan aniyang patuloy na matamo ng Fujian ang mas malaking progreso sa pagpapabilis ng pag-unlad ng isang modernong sistemang pang-ekonomiya.
Samantala, magkasunod na ininspeksyon ni Xi, Oktubre 15 ang Dongshan County sa lunsod Zhangzhou, Gu Wenchang memorial hall at Guandi cultural industrial park, para alamin ang hinggil sa pagbebenta ng pinatuyong pagkaing-dagat at pangingisda sa lokalidad, proteksyon sa pamanang kultural, at pagpapasulong sa pagpapalitang pangkultura ng magkabilang pampang ng Kipot ng Taiwan.
Miyerkules ng umaga, bumisita rin siya sa Xiamen Area ng China (Fujian) Pilot Free Trade Zone, kung saang hinimok niya ang mga lokal na awtoridad na umangkop sa pagbabago ng situwasyon, matatag na pasulungin ang institusyonal na pagbubukas, at gawin ang makabagong ambag sa pagpapalawak ng mataas na lebel na pagbubukas.
Pagkatapos nito, pinakinggan ni Xi ang ulat ng mga gawain ng komite probinsyal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaan ng Fujian, at binigyang-patnubay ang mga gawain ng lalawigan sa hinaharap.
Hinimok niya ang Fujian na hanapin ang bagong landas ng pagpapalalim ng integrasyon ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya at inobasyong industriyal.
Ipinanawagan din niya ang pagpapa-unlad ng sektor ng kultura at turismo bilang isang saligang industriya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio