PLA: Paglalayag ng mga barkong pandigma ng Amerika’t Kanada sa Kipot ng Taiwan, sumira ng kapayapaan at katatagan

2024-10-21 17:06:08  CMG
Share with:

Ipinangalandakan, Oktubre 20, 2024 ng Amerika’t Kanada ang paglalayag ng kanilang dalawang barkong pandigma sa Kipot ng Taiwan.

 

Kaugnay nito, sinabi nang araw rin iyon ni Tagapagsalita Li Xi ng Eastern Theater Command ng Peoples Liberation Army (PLA) ng Tsina, na sinubaybayan at minatyagan ng kanilang tropa ang buong proseso ng paglalayag ng nasabing mga barkong pandigma, at pinangasiwaan ang isyung ito alinsunod ng batas.

 

Ani Li, ang aksyon ng Amerika’t Kanada ay sumira ng kapayapaan at katatagan ng Kipot ng Taiwan.

 

Nananatili rin aniya ang lubos na pagbabantay ng mga tropa ng Eastern Theater Command, at pangangalagaan nila ang seguridad ng soberanya ng Tsina at kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio