Pagsasanay sa paligid ng Taiwan, isinagawa ng PLA

2024-10-14 11:04:54  CMG
Share with:

Isiniwalat ngayong araw, Oktubre 14, 2024 ni Li Xi, Tagapagsalita ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na isinagawa ng mga tropang panlupa, pandagat, panghimpapawid, at rocket force nito ang pagsasanay-militar na pinangalanang ‘”Joint Sword-2024B” sa Kipot ng Taiwan; at dakong hilaga, timog, at silangan ng nasabing isla.

 

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay, ani Li ay paglapit sa isla ng mga bapor at eroplano mula sa iba’t-ibang direksyon at pag-atake ng magkasanib na tropa.

 

Ang pagsasanay ay malakas na deterensya sa mga aktibidad ng mga separatistang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan, at lehitimong aksyon sa pangangalaga sa seguridad ng pambansang soberanya at unipikasyon ng Tsina, paliwanag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio