Sa kanyang talumpati, Oktubre 10, 2024, muling binanggit ni Lai Ching-te, Lider ng Rehiyon ng Taiwan ng Tsina ang umano’y teorya ng “dalawang estado.”
Ito ay nagpapalaganap ng separatistang paninindigan, at nag-uudyok ng ostilong komprontasyon sa pagitan ng magkabilang pampang ng Kipot ng Taiwan.
Sa kabilang dako, ang paggigiit ng prinsipyong isang-Tsina ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Ang pananalita ni Lai ay muling nagbunyag ng kanyang masamang tangka upang makamit ang personal na kapakanang pulitikal, sa kabayaran ng pagsira sa kapayapaan at katatagan ng naturang daanang-tubig.
Kahit ano ang salitang ilabas ni Lai, hindi nito binabago ang obdiyektibong katotohanan, na ang Taiwan ay nabibilang sa iisang Tsina, at ito ay bahagi ng Tsina.
Nilinaw sa 1943 Cairo Declaration at 1945 Potsdam Proclamation, na dapat isauli sa Tsina ang lahat ng mga teritoryong ninakaw ng Hapon mula sa mga Tsino na kinabibilangan ng Taiwan.
Ito ang mahalagang bahagi ng kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II, at batayang pambatas ng katotohanang ang Taiwan ay di-maihihiwalay na teritoryo ng Tsina.
Ang kapalaran ng Taiwan ay nakasalalay sa reunipikasyon sa inang bayan, at ang biyaya ng mga kababayang Taiwanes ay may kaugnayan din sa pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Tiyak na mabibigo ang hangarin sa “pagsasarili” ng mga taong gaya ni Lai, at tiyak ring maisasakatuparan ang lubusang reunipikasyon ng Tsina.
Ito ay tunguhing historikal na hinding-hindi mahahadlangan ng sinuman at anumang puwersa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio