Isiniwalat, Oktubre 20, 2024 ng Iraqi Joint Operations Command (IJOC), na 4 na miyembro ng ekstremistang grupong Islamic State (IS) ang napatay sa atakeng panghimpapawid na isinagawa sa lalawigang Salah al-Din sa hilaga ng bansa.
Dagdag ng IJOC, nagwasak din sa naturang pagsalakay ang mga armas, bala, kagamitan sa komunikasyon, at lohistikal na materyales ng IS.
Salin: Yu Linrui
Pulido: Rhio