Matinding salakay panghimpapawid, muling inilunsad ng Israel sa Lebanon

2024-10-21 14:42:39  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 20, 2024 ng Israel Defense Forces (IDF) na 3 komander ng Hezbollah ang patay sa muling pagsalakay panghimpapawid ng Israel sa katimugang bahagi ng Beirut, kabisera ng Lebanon.

 

Ayon naman sa ahensya ng pagbabalita ng Lebanon, nasa 13 katao ang namatay, samantalang maraming iba pa ang nasugatan sa naturang pagsalakay.

 

Sa kabilang dako, naglunsad din ng mga pag-atake sa pamamagitan ng rocket ang Hezbollah sa ilang pamayanan ng Israel.

 

Hinggil dito, sinabi ng IDF na nasa 160 rocket ang inilunsad ng Hezbollah sa Israel mula sa Lebanon.


Salin: Lei Bidan

Pulido: Rhio