Foreign exchange market turnover ng Tsina, lumago ng 10.1% noong unang tatlong kuwarter ng 2024

2024-10-22 16:19:17  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas, Oktubre 22, 2024 ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, umabot sa 30.27 trilyong dolyares ang turnover ng foreign exchange market ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, at ito ay lumago ng 10.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Anang administrasyon, masigla ang kalakalan ng merkado ng foreign exchange sa panahong ito.

 

Pagpasok ng taong ito, unti-unting nagiging balanse ang galaw ng transnasyonal na kapital ng bansa, at lumalakas ang kakayahang bumangon ng merkadong ito.

 

Nananatiling matatag sa kabuuan at balanse ang lebel ng pagpapalitan ng RMB, dagdag ng administrasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil