Pagtitiwalaan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Indonesia, patuloy na pasusulungin – pangalawang pangulo ng Tsina

2024-10-22 16:04:58  CMG
Share with:

Jakarta, Indonesia - Sa paanyaya ng pamahalaan ng Indonesia, dumalo, Oktubre 20, 2024 si Han Zheng, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Pangalawang Pangulo ng Tsina, sa inagurasyon ni bagong Pangulong Prabowo Subianto ng Indonesia, at dumalaw sa bansa mula Oktubre 19 hanggang 21.

 

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Prabowo, inihayag ni Han na susuportahan ng panig Tsino ang maalwang administrasyon ni Prabowo at kanyang bagong pamahalaan.

 


Kasama ng Indonesia, nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa sa makabagong antas, at gawin ang higit pang ambag para pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at pasulungin ang kaunlaran at kasaganaan ng mundo.

 

Kaugnay ng pag-unlad ng bilateral na relasyon sa susunod na yugto, iminungkahi ni Han na buuin ang estratehikong pagtitiwalaan sa mataas na antas, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa lahat ng mga aspekto, at isagawa ang mas mahigpit na koordinasyong pandaigdig.

 

Inihayag naman ni Pangulong Prabowo ang kahandaan ng kanyang pamahalaan na ibayo pang palalimin ang pagkakatigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng kapuwa panig, palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil