Premyer Tsino at Pangulong Biyetnames, nagtagpo; anim na target sa bilateral na relasyon, pasusulungin

2024-10-13 17:45:49  CMG
Share with:

 

Kinatagpo kahapon, Oktubre 12, 2024, sa Hanoi, si Premyer Li Qiang ng Tsina ni Pangulong To Lam ng Biyetnam.

 

Sinabi ni Li, na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na pasulungin ang anim na pangunahing target sa bilateral na relasyon, na kinabibilangan ng mas malaking pagtitiwalaang pulitikal, mas substansyal na kooperasyong panseguridad, mas malalim na pragmatikong kooperasyon, mas matatag na pundasyong pampubliko, mas mahigpit na multilateral na koordinasyon at kooperasyon, at mas maayos na pangangasiwa ng mga pagkakaiba.

 

Umaasa aniya siyang magkasamang pasusulungin ng Tsina at Biyetnam ang pantay-pantay at maayos na multipolarisasyon ng daigdig at benepisyal at inklusibong globalisasyon ng kabuhayan, at pananatilihin din ang kasaganaan at katahimikan ng Asya.

 

Ipinahayag naman ni To Lam, na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, na patuloy na tumahak sa landas na magkasamang itinakda ng mga lider ng dalawang bansa; pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership; at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa na may estratehikong katuturan.

 

Sinusuportahan aniya ng Biyetnam ang Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative; at palalakasin nito kasama ng Tsina ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na balangkas para magbigay ng ambag sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.


Editor: Liu Kai