Pagpapalakas ng kooperasyon ng mga negosyanteng Tsino’t Biyetnames, ipinanawagan ng premyer Tsino

2024-10-14 15:59:18  CMG
Share with:

Sa talakayan ng mga kinatawan ng mga negosyanteng Tsino’t Biyetnames, Oktubre 13, 2024 sa Hanoi, Biyetnam, na magkasamang dinaluhan nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam, sinabi ng lider Tsino, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig nitong nakalipas na ilang taon, matatag at malusog na umuunlad ang relasyong Sino-Biyetnames, at mabungang-mabunga ang pragmatikong kooperasyon.

 

Bilang tradisyonal na sosyalistang magkapitbansa, ang pag-unlad aniya ng Tsina’t Biyetnam ay mahalagang pagkakataon para sa isa’t-isa.

 

Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga mangangalakal ng dalawang bansa ang pagkakataon, pag-iibayuhin ang kooperasyon, at gagawin ang sariling ambag sa komong kaunlaran ng Tsina’t Biyetnam.

 

Para rito, iminungkahi niyang kusang-loob na sumali ang mga negosyante sa sinerhiya ng mga pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang panig, magkasamang pasulungin ang integradong pag-unlad ng mga industriya, at pagtipun-tipunin ang inobasyon at pagkamapanlikha.

 


Inihayag naman ng lider Biyetnames, na kasama ng panig Tsino, puspusang patataasin ng kanyang bansa ang lebel ng kooperasyon ng mga bahay-kalakal, at pasusulungin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, batay sa diwa ng mutuwal na kapakinabangan at kapuwa-panalong situwasyon.

 

Hinihintay aniya ng Biyetnam ang patuloy na pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga kompanyang Tsino.

 

Ayon naman sa mga kalahok na mangangalakal, matibay ang kanilang kompiyansa sa pagpapalalim ng kooperasyon ng magkabilang panig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio