Pangulong Tsino sa Indiya: pagkakaunawaan at kooperasyon, palakasin

2024-10-23 21:20:20  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng Indiya sa BRICS Summit, Miyerkules, Oktubre 23, 2024 (lokal na oras) sa Kazan ng Rusya, tinukoy ng lider Tsino, na dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagkaka-unawaan at kooperasyon, at maayos na hawakan ang mga hidwaan.

 

Ani Xi, ang tamang pangangasiwa sa tunguhin ng kasaysayan, at direksyon ng relasyon ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Saad pa ni Xi, dapat isabalikat ng Tsina at Indiya ang pandaigdigang responsibilidad para makapag-ambag sa multi-polarisasyon ng daigdig at pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio