Pangulong Tsino at Laos, nagtagpo

2024-10-23 14:09:52  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon, Oktubre 22, 2024 sa Kazan, Rusya sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Thongloun Sisoulith ng Laos.


Tinukoy ni Xi na kasama ng Laos, nakahanda ang Tsina na patatagin ang estratehikong pagtitiwalaan at palalimin ang aktuwal na kooperasyon.


Saad pa niya na dapat patuloy na katigan ng dalawang bansa ang mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong kapakanan.


Nakahanda aniya ang Tsina na angkatin ang mas maraming produktong agrikultural ng Laos, dagdag pa ni Xi.


Ipinahayag naman ni Sisoulith na umaasa siyang pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa proyektong daambakal at Laos-China Economic Corridor.


Inulit niyang matatag na iginigiit ng Laos ang patakarang isang-Tsina, at kinakatigan ang mga paninindigang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Hong Kong at Xinjiang.


Kasama ng Tsina, nakahanda rin aniya ang Laos na patuloy na pahigpitin ang kooperasyon sa mga multilateral na plataporma na gaya ng ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil