Ika-17 China International Children’s Film Festival, binuksan

2024-10-23 16:39:01  CMG
Share with:

Binuksan Oktubre 22, 2024 sa mga lungsod ng Jinan at Chengdu ng Tsina ang ika-17 China International Children’s Film Festival na nakatuon sa koneksyon sa pagitan ng pag-unlad ng mga bata at sining ng paggawa ng pelikula.

 

Sa panahon ng pestibal, 35 pelikulang pambata, kabilang na ang 20 mula sa Tsina at 15 mula sa iba pang mga bansa tulad ng Alemanya, Kanada at Hapon, ay ipapalabas sa mga sinehan sa naturang dalawang lunsod.