Inilunsad Oktubre 23, 2024, 9:00 A.M. (Beijing Time), sa Xichang Satellite Launch Center ng lalawigang Sichuan, timog kanluran ng Tsina, ang satellite ng Yaogan-43 03 group.
Lulan ito ng March-2C carrier rocket para ilunsad ang bagong grupo ng remote-sensing satellites sa kalawakan na nakapasok na sa nakatakdang orbita.
Gagamitin ang Yaogan-43 03 para subukan ang bagong teknolohiya ng low-orbit constellations.
Ito ang ika-542 misyon ng paglipad ng Long March series rockets.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil