Estratehikong pagtutulungan at pagtataas ng relasyon sa bagong antas, tiniyak ng Tsina at Brunei

2024-10-24 15:47:28  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng gobyerno ng Brunei, binisita ni Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina ang Brunei mula Oktubre 21 hanggang 23, at magkahiwalay siyang nakipagkita kina Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah at Prinsipe Heredero Haji Al-Muhtadee Billah ng Brunei sa Bandar Seri Begawan.

 

Chinese Vice President Han Zheng (L) meets with Brunei's Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah in Bandar Seri Begawan, Brunei, October 22, 2024. /Xinhua

 

Ani Han, handang makipagtulungan ang Tsina sa Brunei upang maisakatuparan ang mahalagang kasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang estratehikong komunikasyon, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at isulong ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas.

 

Chinese Vice President Han Zheng (L) meets with Brunei's Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah in Bandar Seri Begawan, Brunei, October 22, 2024. /Xinhua

 

Nais din aniya ng Tsina na makipagtulungan sa mga bansang ASEAN, kabilang na ang Brunei, upang aktibong isulong ang kooperasyon sa karagatan at mga konsultasyon para sa "Code of Conduct in the South China Sea (COC)," upang gawin itong karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan, at kooperasyon.

 

Ipinahayag naman ng panig ng Brunei, na handa nitong palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa Tsina sa kalakalan, agrikultura, enerhiya, turismo, at kultura, upang higit pang isulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Yu Linrui

Pulido: Rhio