CIIE, mahalagang plataporma para pasulungin ang pandaigdigang kalakalan - opisyal ng UNCTAD

2023-11-09 16:08:02  CMG
Share with:

Sa isang nakasulat na panayam kamakailan sa Chinese media, sinabi ni Rebeca Grynspan, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), na ang China International Import Expo (CIIE) ay mahalagang plataporma para pasulungin ang pandaigdigang kalakalan at palakasin ang diyalogo sa pagitan ng mga bansa tungkol sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa pamamagitan aniya ng ekspong ito, makakapasok at makikinabang sa malaking pamilihan ng Tsina ang mga kompanya ng iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal (SMEs).

 

Nagbibigay-diin ang CIIE sa balanseng relasyon sa kalakalan, na isang napakahalagang bagay sa maraming bansa ng daigdig, dagdag ni Grynspan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos