Sa kabila ng pagbabago ng situwasyong panrehiyon at pandaigdig, pauunlarin ng Tsina ang mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa Iran — Xi Jinping

2024-10-24 08:34:21  CMG
Share with:

Kazan, Rusya — Sa kanyang pakikipagtagpo Oktubre 23, 2024 (lokal na oras) kay Pangulong Masoud Pezeshkian ng Iran sa sidelines ng Ika-16 na BRICS Summit, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Iran ay isang bansang may mahalagang impluwensiya sa rehiyon at daigdig, at mabuting kaibigan at katuwang ng Tsina.


Sinabi niya na sa kalagayan ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig, nagiging mas namumukod ang estratehikong katuturan ng relasyong Sino-Iranyo. Sa kabila ng pagbabago ng situwasyong panrehiyon at pandaigdig, buong tatag na pauunlarin ng panig Tsino ang mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa Iran, ani Xi.


Kasama ng panig Iranyo, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa mga multilateral na balangkas na kinabibilangan ng BRICS, upang ibayo pang mapataas ang impluwensiya at tinig ng Global South at mapasulong ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig tungo sa mas makatarungan at makatuwirang direksyon, diin pa ng Pangulong Tsino.


Sinabi naman ni Pezeshkian na naging pormal na miyembro ng BRICS ang Iran. Pinasalamatan aniya niya ang suporta ng panig Tsino sa pagsapi ng Iran sa mekanismong pangkooperasyon ng BRICS.


Maaaring isagawa ng dalawang bansa ang mas maraming kooperasyon sa balangkas ng BRICS, dagdag pa niya.


Salin: Lito