Ministrong panlabas ng Tsina at Iran, nag-usap

2024-10-15 16:10:59  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono, Oktubre14, 2024 nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Abbas Araghchi ng Iran, sinabi ng diplomatang Tsino, na palaging iginigiit ng kanyang bansa ang paglutas sa maiinit na isyu sa pamamagitan ng diyalogo’t pagsasanggunian, at tinututulan ang paglalala ng mga hidwaan at pagpapalawak ng sagupaan.

 

Suportado aniya ng Tsina ang pagsasagawa ng diplomatikong medyasyon ng Iran para palalimin ang pagkakaunwaan sa iba’t-ibang panig, at pabutihin ang relasyon sa mga bansa sa Gitnang-silangan.

 

Ipinahayag naman ni Araghchi na ayaw ng Iran ang paglalala ng mga sagupaan.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan para mapahupa ang kasalukuyang kalagayan sa Gitnang-silangan sa diplomatikong paraan.

 

Saad pa niya, iiwasan ng Iran ang paggamit ng mga peligrosong aksyon at magiging maingat sa mga isyu.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio