Diyalogo ng mga media ng BRICS, inorganisa ng CMG at VGTRK

2024-10-24 11:16:41  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at All-Russia State Television and Radio Broadcasting Company (VGTRK), idinaos, Oktubre 23, 2024 (lokal na oras) sa Kazan ng Rusya ang diyalogo ng mga media ng mga bansang BRICS.

 

Sa kanyang paglahok, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, ang pag-asang magkasamang magsisikap ang mga media ng BRICS para pasulungin ang kooperasyon ng rehiyonal na grupo.

 

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG

Tinalakay din ng mga kalahok ang hinggil sa mga kuwento ng modernisadong konstruksyon ng mga bansang BRICS at komprehensibo, obdiyektibo at makatarungang pag-uulat ng mga balita’t impormasyon sa buong daigdig.

 

Dumalo sa diyalogo ang mga namamahalang tauhan ng mga media, kinatawan ng pamahalaan at dalubhasa ng Tsina, Rusya, Brazil, Timog Aprika, Ehipto, United Arab Emirates, Iran at Belarus.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio