Sa kanyang sagot na liham kamakailan sa mga guro, estudyante at alumni ng Ocean University of China, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang higit pang pagsisikap para matamo ang mga pambihirang tagumpay sa maritimong siyensiya’t teknolohiya.
Binati niya ang mga guro, estudyante at alumni ng unibersidad para sa sentenaryo nito.
Hinimok din niya sa liham ang unibersidad na gawin ang sentenaryo bilang isang bagong punto ng pagsisimula, sikapin na matamo ang mga orihinal at nangungunang bunga sa maritimong siyensiya’t teknolohiya, at sanayin ang mas maraming mahuhusay na talento para bigyang ambag ang pagtatatag ng Tsina tungo sa nangungunang bansa sa edukasyon at isang malakas na maritimong bansa.
Itinayo ang Ocean University of China noong 1924 bilang Private Qingdao University at pinagtibay ang kasalukuyang pangalan nito noong taong 2002.
Salin:Sarah
Puildo:Rhio