Isasagawa mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5, 2024, ni Robert Fico, Punong Ministro ng Republika ng Slovak, ang opisyal na pagdalaw sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 28, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malugod na pagtanggap sa opisyal na pagdalaw ni Fico, at tinukoy niyang ang Republika ng Slovak ay isa sa mga bansang pinakamaagang kumilala sa Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Malalim aniya ang trandisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ani Lin, ang taong ito ay ika-75 aniberasaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Republika ng Slovak.
Kaugnay nito, masigla ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at mabunga ang kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, dagdag niya.
Kasama ng Republika ng Slovak, magpupunyagi aniya ang Tsina upang gawing pagkakataon ang pagdalaw ni PM Fico tungo sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at pagtitiwalaang pulitikal, pagpapalawak ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, pagpapasulong sa dekalidad na magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road” at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, at pagpapabuti sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa bagong lebel.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio