Tsina, tinututulan ang paglalagay ng Amerika ng ilang entidad ng Tsina sa listahan ng kontrol sa pagluluwas

2024-10-29 16:24:30  CMG
Share with:

Ipinahayag Oktubre 28, 2024, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), na mahigpit na kinokondena at matatag na tinututulan ng Tsina ang aksyon ng Amerika sa paglalagay ng ilang mga entidad ng Tsina sa “listahan ng entidad” at “di-beripikadong listahan” ng pagkontrol ng pagluluwas.

 

Sinabi ng tagapagsalita na ginagawang pangkalahatan ng Amerika ang konsepto ng pambansang seguridad, inabuso ang hakbangin sa pagkontrol sa pagluluwas at pinigilan ang mga negosyo mula sa ibang bansa, na kinabibilangan ng Tsina, sa loob ng mahabang panahon.

 

Ito ay lubhang nakakapinsala sa lehitimong karapatan at interes ng mga negosyong ito at nagpapahina sa seguridad at katatagan ng pandaigdigang kadena ng industriya at suplay, saad ng tagapagsalita.

 

Dapat agarang itigil ng panig Amerikano ang maling aksyong nito, at isasagawa ng Tsina ang mga kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga negosyo, dagdag ng tagapagsalita.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil