MOC, nilagdaan ng CMG at Grup Mediapro ng Espanya

2024-07-28 19:49:36  CMG
Share with:

 

Nilagdaan Hulyo 27, 2024, sa Barcelona, Espanya, ng China Media Group (CMG) at Grup Mediapro, isang grupo ng media na may malaking impluwensya sa buong Europa, ang memorandum of cooperation (MOC), na magpapalakas ng pagtutulungan ng dalawang panig sa pagbabahagi ng mga yamang pang-media, paggawa ng mga programa, at inobasyon at aplikasyon ng mga bagong teknolohiya.

 

Sa seremonya ng paglagda, binigyan ng mataas na pagtasa ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang mga karanasan at natamong bunga ng Grup Mediapro sa paggawa ng mga programa, lalung-lalo na sa aspekto ng palakasan.

 

Sinabi naman ni Tatxo Benet, Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Grup Mediapro, na gagawin ng CMG ang 8K international common signal para sa mga paligsahan ng track at field at seremonya ng pagbubukas ng Paris Olympic Games, at ipinakikita nito ang modernong kakayahan ng CMG sa pagsasahimpapawid na pampalakasan.

 

Umaasa din aniya siyang magsisikap ang dalawang panig para palalimin ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao ng Espanya at Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan