Ilalathala bukas, Nobyembre 1, 2024, sa ika-21 isyu ng Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Pinamagatang “Pagpapasulong ng Dekalidad at Ganap na Pagtatrabaho,” tinukoy ni Xi, ang pagtatrabaho ay pundamental sa pamumuhay ng mga mamamayan, may kinalaman sa kapakanan ng mga mamamayan, karugtong ng malusog na pag-unlad ng ekonomiya at lipunan, at pangmagatalang kaayusan at seguridad ng bansa.
Sa mula’t mula pa’y, pinahahalagahan ng CPC ang pagtatrabaho, aniya.
Dagdag ni Xi, kailangang mabilis na itatag ang sistema ng teorya ng pagtatrabaho ng Tsina, para mabisang pataasin ang pandaigdigang impluwensiya ng Tsina sa larangang ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio