Sa ika-16 na isyu ng Qiushi Journal, isang flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), inilabas Biyernes, Agosto 16, 2024 ang paliwanag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa Resolusyon ng Komite Sentral ng CPC sa Ibayo pang Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma tungo sa Pagsulong ng Modernisasyong Tsino.
Ang nasabing paliwanag ay ginawa ni Xi sa panahon ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC.
Tinukoy ni Xi na kailangang-kailangan ang ibayo pang pagpapalalim ng reporma tungo sa pagsulong ng modernisasyong Tsino, upang isakatuparan ang tungkuling sentral ng Partido sa makabagong biyahe sa makabagong panahon, kumpletuhin at paunlarin ang sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino, pasulungin ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng bansa sa pangangasiwa, pabilisin ang de-kalidad na pag-unlad, harapin ang mga pangunahing panganib at hamon, at pasulungin ang matatag at sustenableng progreso ng mga usapin ng Partido at bansa.
Inilahad din ni Xi ang mga highlight ng resolusyon: pagpapatingkad ng namumunong papel ng reporma sa estrukturang ekonomiko; pagbuo ng mga institusyon at mekanismo na suportado sa all-round innovation; komprehensibong pagpapasulong sa reporma; koordinadong igarantiya ang kaunlaran at seguridad; at pagpapalakas ng pamumuno ng Partido sa reporma.
Salin: Vera
Pulido: Ramil