Pangalawang pangulong Tsino, nakipagtagpo sa pangulo ng Ika-79 na sesyon ng UNGA

2024-11-01 16:17:09  CMG
Share with:

Nakipagtagpo, Oktubre 31, 2024, sa Beijing, si Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina kay Philemon Yang, Pangulo ng Ika-79 na sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA).

 

Inihayag ni Han na sa susunod na taon ay ang ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN at binigyang-diin na sinusuportahan ng Tsina ang sentrong papel ng UN sa mga internasyonal na gawain, at palagiang matatag na itinataguyod ang awtoridad at katayuan ng UN, aktibong nakikibahagi sa reporma at pagpapaunlad ng pandaigdigang pamamahala, at ginagawang mas makatarungan at pantay ang sistema ng pamamahala sa buong mundo.

 


Sinabi naman ni Yang na sinusunod ng UN ang UN General Assembly Resolution 2758 at prinsipyong isang-Tsina, at nagpapahayag din ng pag-asang mapapalakas ang kooperasyon sa Tsina, na gagawa ito ng mas malaking kontribusyon sa pangangalaga ng pandaigdigang kapayapaan at pagtataguyod ng komong pag-unlad.

 

Salin: Yan Shasha


Pulido: Ramil