Presidente ng UNGA, dadalaw sa Tsina

2024-10-31 10:33:47  CMG
Share with:


Isiniwalat, Oktubre 30, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalaw sa bansa si Philémon Yang, Presidente ng Ika-79 na Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA) mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

 

Ito aniya ay ayon sa paanyaya ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio