Xi Jinping, nilagdaan ang kautusan para ilabas ang mga regulasyon sa pamamahala ng mga reserbista

2024-11-01 11:12:33  CMG
Share with:

Nilagdaan Oktubre 31, 2024 ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, ang kautusan para ilabas ang isang hanay ng mga pansamantalang regulasyon hinggil sa pamamahala ng mga reserbistang tauhan.

 

Nilalayon ng regulasyong ito na pasulungin ang pagsasabatas ng Tsina hinggil sa mga reserbista.

 

Ito rin ay nakatuon sa pagtatatag ng isang sistematikong istruktura ng pamamahala para sa mga reserbistang tauhan sa bagong panahon.

 

Bilang isang mahalagang bunga ng reporma sa yamang-tao ng militar ng Tsina, ang promulgasyon ng regulasyon ay nagmamarka ng isang mahalagang hakbangin para pabutihin ang legal, pamantayan at siyentipikong pamamahala ng mga reserbista at bumuo ng de-kalibre at propesyonal na puwersang reserba.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil