Sa kanyang talumpati, Oktubre 29, 2024, sa pagbubukas ng sesyon ng pag-aaral na nilalahukan ng mga pangunahing probinsyal at ministeriyal na opisyal sa Pambansang Akademiya ng Pamamahala ng Tsina, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng bansa para sa pagkakaisa ng lakas tungo sa pagsusulong ng sustenable’t matatag na reporma.
Aniya, mabunga ang pagsisikap ng Tsina sa reporma sa lahat ng aspekto sa bagong panahon, na kinabibilangan ng pratikal, institusyonal at teoretikal na dimensyon, at ito’y naging isa sa mga pinaka-monumental na kabanata sa reporma’t pagbubukas sa labas ng bansa.
Para sa mga opisyal, lalo na, ang matataas na opisyal, dapat aniya silang magsikap para buksan ang bagong pinto ng reporma at pag-unlad, sa halip na pag-iwas sa panganib at hamon.
Chinese President Xi Jinping, also general secretary of the Communist Party of China (CPC) Central Committee and chairman of the Central Military Commission, speaks during the opening of a study session for principal officials at the provincial and ministerial level at the Party School of the CPC Central Committee (National Academy of Governance) in Beijing, China, October 29, 2024. /Xinhua
Dapat isagawa ng lahat ng rehiyon at departamento ng bansa ang pagpapa-iral at inkremental na pagsasakatuparan ng polisya para makamit ang taunang layuning pang-ekonomiya’t panlipunan, saad ni Xi.
Samantala, tinalakay rin sa sesyon ang paraan ng pagsasagawa ng prinsipyong patnubay ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina kung saan inilabas ang bagong alituntunin sa komprehensibong reporma ng bansa.
Pinanguluhan ni Premyer Li Qiang ang nasabing sesyon, at sa kanyang talumpati, sinabi niyang ang talumpati ni Xi ay mayroong mahalagang katuturan sa pagpapatibay ng tiwala at pagkakaisa ng lakas para pabutihin ang reporma.
Tulong din aniya ito sa paggarantiya ng epektibong pagsasagawa ng iba’t-ibang hakbangin ng reporma.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio