Ika-8 Summit ng Subrehiyon ng Greater Mekong, dadaluhan ng premyer Tsino

2024-11-04 18:11:03  CMG
Share with:

Ipinatalastas, Nobyembre 4, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadaluha’t pangunguluhan ni Premyer Li Qiang ng Tsina, ang napipintong Ika-8 Greater Mekong Subregion Summit, Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 7, 2024, sa lunsod Kunming, lalawigang Yunnan, dakong timog-kanluran ng Tsina.

 

Lalahok aniya sa pulong ang mga lider ng Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam at puno ng Asian Development Bank (ADB).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Frank