Hinimok, Oktubre 24, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang mga kongkretong pagsisikap para mapadali ang pag-unlad ng Three-North Shelterbelt Forest Program (TSFP) at matiyak ang suplay ng enerhiya.
Ginawa ni Li ang mga pahayag sa isang biyahe ng pagsusuri at pananaliksik sa Rehiyong Awtonomo ng Ningxia Hui at Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia mula Martes hanggang Huwebes.
Pinakamalaking proyekto sa pagtatanim ng gubat ang TSFP sa buong mundo at nilalayon nitong harapin ang desertipikasyon sa hilagang-kanluran, hilaga at hilagang-silangan ng Tsina na inilunsad noong 1978 at nakatakdang makumpleto sa 2050.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Ramil