Premyer Li Qiang at mga kinatawan ng mga exhibitor at mamimili, nagtalakayan sa ika-7 CIIE

2024-11-05 15:06:04  CMG
Share with:

Nagtalakayan, Nobyembre 4, 2024, sa Shanghai, sina Premyer Li Qiang ng Tsina, at mga kinatawan ng eksibitor at mamimili sa ika-7 China International Import Expo (CIIE).

 

Hinahangaan ng mga kinatawan ng mga negosyong kalahok sa talakayan ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa patuloy nitong pagpapagaan ng akseso sa merkado, pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo at pagsuporta sa pagpapaunlad ng mga negosyo.

 

Optimistiko sila sa merkadong Tsino, at inihayag nilang palalawakin ang kanilang pamumuhunan sa Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Li na pinahahalagahan ng Tsina ang mga positibong kontribusyon na ginawa ng mga kompanya sa pagpapalakas ng ugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at bansang dayuhan at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

 

Sinabi niya na ang CIIE ay naging isang mahalagang plataporma sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at buong mundo tungo sa panalu-nalong resulta.

 

Dagdag ni Li, umaasa ang Tsina na patuloy na mamamalagi ang mga dayuhang bahay-kalakal sa merkadong Tsino at magdadala ng mas maraming de-kalidad na produkto at serbisyo sa Tsina.


Salin: Zheng Yujia

Pulido: Ramil/Lito