Sa kanyang keynote speech sa sermonya ng pagbubukas ng ika-7 China International Import Expo (CIIE) at Hongqiao International Economic Forum (HQF) na idinaos Nobyembre 5, 2024, sa Shanghai, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang pagdaraos ng CIIE ay mahalagang hakbangin ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas at kooperasyon.
Kaugnay nito, inilahad ni Li ang tatlong mungkahi: una, panatilihin ang mga pangako at mas mabuting bumuo ng konsensus sa pagbubukas sa labas; ikalawa, makamit ang mutuwal na benepisyo at win-win na resulta at mas mabuting palawakin ang espasyo ng pagbubukas sa labas; ikatlo, ibahagi ang pinagbabahaginang kapalaran at mas mabuting isabalikat ang misyon ng pagbubukas sa labas.
Humigit kumulang 1500 katao mula sa 152 bansa, rehiyon, mga pinuno ng organisasyong pandaigdig at mga kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika, negosyo at akademiko ang dumalo sa seremonya ng pagbubukas.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank