Sarbey ng CGTN: Mga pandaigdigang respondente, optimistiko sa pamilihang Tsino

2024-11-06 16:05:53  CMG
Share with:

Sa isinagawang sarbey ng China Global Television Network (CGTN) sa 33858 pandaigdigang respondente, ipinalalagay ng 67% ng mga respondente na ang Tsina ay isang bukas na pamilihang may kakayahang kompetetibo.


Ayon sa sarbey na ito, kumakatig ang 73.9% ng mga respondente sa paglahok ng kanilang bansa at bahay-kalakal sa mga proyekto ng pandaigdigang kooperasyon sa Tsina.


Ipinalalagay naman ng 78.5% ng mga respondente na nakinabang ang kanilang bansa at mga bahay-kalakal sa kalakalan ng Tsina at ang de-kalidad na pagbubukas ng Tsina ay nagdulot ng mas malaking pagkakataon sa mga kasosyo sa kalakalan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank