Premyer Tsino, nakipagtagpo sa Punong Ministro ng Malaysia

2024-11-06 16:10:25  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Nobyembre 5, 2024, sa Shanghai, si Premyer Li Qiang ng Tsina kay Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia, na kalahok sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE).

 

Tinukoy ni Li, na kasama ng Malaysia, nakahanda ang Tsina na patuloy at buong tatag na suportahan ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at pangunahing alalahanin ng bawat isa, at solidong itaguyod ang kooperasyon sa mga pangunahing proyekto.

 

Aniya, lubos na susuportahan ng Tsina ang Malaysia bilang tumatayong tagapangulo ng ASEAN sa susunod na taon, at nakahandang palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa panig Malay sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng Tsina at ASEAN, para isulong ang integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon, at pangalagaan ang sentrong katayuan ng ASEAN.

 

Sinabi naman ni Ibrahim na nakahanda ang Malaysia, kasama ng Tsina, na palakasin ang mataas na antas ng pagpapalagayan at palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng “Belt and Road.”

 

Sinusuportahan din aniya ng Malaysia ang pagsali ng Tsina sa Komprehensibo at Progresibong Kasunduan para sa Trans-Pacific Partnership.

 

Pagkatapos ng pulong, magkasamang dumalo ang dalawang punong ministro sa isang seremonya ng pagpapalitan ng mga dokumento ng kooperasyon, tulad ng plano sa kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng “Belt and Road.”


Salin: Lei Bidan

Pulido: ramil/Frank