Iniorganisa Nobyembre 5, 2024, ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI) ang isang on-line forum na nilahukan ng mga dalubhasang Tsino para talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng SCS at paninindigang Tsino sa isyung ito.
Ipinalalagay ng mga kalahok na dalubhasa na di-nagbabago at matatag ang paninindigang Tsino sa isyu ng SCS na isantabi ang mga hidwaan at panatilihin ang status quo ng SCS.
Ayon sa kanila, aktibong nakikialam ang Amerika sa isyu ng SCS at naghahasik ito sa Pilipinas para isagawa ang mga probokasyon at komprontasyon sa Tsina.
Kaugnay ng mga konstruksyon ng Tsina sa mga isla at bahura ng Nansha Qundao, ipinalalagay ng mga dalubhansang Tsino na ang mga aksyon nito ay nabibilang sa lehitimong aksyon ng Tsina sa pangangalaga ng soberanya at teritoryo, sa halip ng pagbabagong kalagayan ng SCS.
Ipinalalagay din ng mga dalubhasa na ang pakikialam ng Amerika sa isyu ng SCS, lalong lalo na ng mga aksyong militar ng Amerika sa rehiyog ito ay nagpapalala ng tensyon sa rehiyong ito at nagbabanta sa katatagan at kapayapaan ng SCS.
Kaugnay naman ng hatol ng arbitrasyon sa SCS noong 2016, ipinalalagay ng mga dalubhasang Tsino na ang umano’y arbitral tribunal ay lumampas sa hurisdiksyon nito, at lumabag sa mga tadhana ng UNCLOS, kaya ang hatol nito ay iligal at walang bisa.
Palagiang iginigiit ng Tsina ang paglutas sa isyu ng SCS ay ang maayos na pagkontol sa mga hidwaan sa pamamgitan ng diyalogo, pagsasanggunian at talastasan ng mga direktang kasangkot na bansa at pangangalaga sa kapayapaang pandagat sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga kalahok na dalubhasang Tsino na ang paraan ng paglutas ng Tsina sa isyu ng SCS ay angkop sa hangarin ng mga bansang ASEAN sa pagkontrol ng komprontasyon at pangangalaga sa katatagan at kapayapaang panrehiyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank