Hinimok, Nobyembre 5, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ganap na pagpapaigting ng pagsasanay ng tropa, pagpapahusay ng kahandaan sa labanan at pagpapabuti ng mga operasyon sa pagpapatakbo sa himpapawid para makabuo ng isang malakas at modernisadong puwersa sa himpapawid.
Ginawa niya ang mga pahayag nang siyasatin ang isang pulutong ng airborne ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) sa lunsod Xiaogan, lalawigang Hubei sa dakong gitna ng Tsina.
Binigyan-diin ni Xi ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan sa kahandaan para sa labanan at pagpapalakas ng kahandaang militar, pagpapaigting ng magkasanib na pagsasanay sa iba pang sangay ng sandatahang lakas, at pagpapataas ng mga kakayahan para sa magkasanib na komand, operasyon at suporta.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank