Pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa unang 10 buwan ng 2024, matatag sa kabuuan

2024-11-07 16:39:58  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Nobyembre 7, 2024, ng General Administration of Customs (GAC) ng Tsina, umabot sa higit 36 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng bansa sa unang 10 buwan ng 2024, na lumaki ng 5.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kabilang dito, nasa higit 15.2 trilyong yuan RMB ang pag-aangkat ng Tsina na lumaki ng 3.2% kumpara sa gayunding panahon ng 2023.

 

Samantala, higit 16.9 trilyong yuan RMB naman ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa mga bansang kalahok sa “Belt and Road Initiative (BRI),” na lumaki ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Sa kabilang dako, higit 5.6 trilyong yuan RMB ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pinakamalaking trade partner ng bansa.

 

Ito ay lumaki ito ng 8.8% kumpara sa nakaraang taon.

 

Ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa ibang miyembro ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay lumaki ng 4.3%; at 4.5% ang itinaas ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa ibang miyembro ng BRICS.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito