Kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga serbisyo ng Tsina, tumaas ng 14.5%

2024-11-06 14:54:00  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas, Nobyembre 5, 2024, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa unang tatlong kwarter ng taong ito, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng serbisyo ng Tsina ay umabot sa 5.51814 trilyong yuan renminbi (RMB), isang taon-sa-taon na pagtaas ng 14.5% at ang kakulangang kalakalan o trade deficit ng serbisyo ay umabot sa 971.46 bilyong yuan RMB.

 

Ang kabuuang halaga naman ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga serbisyo sa paglalakbay ay umabot sa 1.50528 trilyong yuan RMB, isang taon-sa-taong pagtaas na 42.8%, na ginagawang itong pinakamalaking lugar ng kalakalan ng serbisyo.


Salin: Yu Linrui

Pulido:Ramil/Frank