Nobyembre 6, 2024, lunsod Shanghai – Nilagdaan sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE), ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina at Goodfarmer, isa sa mga nangungunang kompanya ng prutas sa Tsina, ang isang kasunduan sa pagbili ng pinya at saging.
Dahil sa mabuting kalidad at masarap na lasa, ang mga pinya’t saging ng Pilipinas ay patok at mabentang-mabenta sa merkadong Tsino.
Dahil dito, tuluy-tuloy na nag-aangkat ang Goodfarmer ng naturang mga prutas.
Ito ang ika-7 nang taong paglahok ng Pilipinas at Goodfarmer sa CIIE, at paglagda ng kasunduan sa pagbili, sapul nang una itong idaos noong 2018.
Video/Ulat: Kulas
Pulido: Rhio