Nangako Nobyembre 7, 2024, ang Tsina at African Union (AU) na higit pang palalalimin ang kanilang estratehikong kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Ginawa ang pangako sa isang seminar noong Miyerkules, sa Addis Ababa, kabisera ng Ethiopia, kung saan tinalakay ng mga opisyal at eksperto mula sa Tsina at AU ang “magkasamang pagtataguyod ng isang all-weather na komunidad ng Tsina-Aprika na may pinagbabahaginang kinabukasan sa makabagong panahon.”
Sinabi ni Hu Changchun, pinuno ng misyong Tsino sa AU, na kailangang higit pang palakasin ng Tsina at Aprika ang kanilang kooperasyon, na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga mamamayang Tsino at Aprikano at panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng mundo.
Salin: Yu Linrui
Pulido:Ramil Frank