Xi Jinping, nakipagpulong kay Pangulo ng Rwanda

2024-09-06 18:20:21  CMG
Share with:

Nakipagpulong Setyembre 5, 2024 sa Great Hall of the People, Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Paul Kagame ng Rwanda.

 

Si Kagame ay nasa Tsina para dumalo sa 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Inanunsyo ng dalawang lider ang pagpapataas ng bilateral na relasyon ng Tsina at Rwanda sa komprehensibo’t estratehikong partnership.

 

Kasunod ng pagpupulong, naglabas ang magkabilang panig ng magkasanib na pahayag sa pagtataguyod sa pagpapatupad ng Global Security Initiative, Global Development Initiative at Global Civilization Initiative. 

 

Sa panahon ng pagpupulong, lumagda ang Tsina at Rwanda ng ilang mga bilateral na kasunduan hinggil sa pagpapatupad ng Global Development Initiative, pagluluwas ng pulot sa Tsina, didiytal at impormasyong komunikasyon, at news media.


Salin: Ethan


Pulido: Ramil