Reserba ng palitang panlabas ng Tsina, bumaba sa 3.26105 trilyong Dolyares

2024-11-08 16:50:29  CMG
Share with:

Ayon sa ulat Nobyembre 7, 2024, ng Administrasyon ng Estado ng Palitang Panlabas ng Tsina, umabot sa 3.26105 trilyong Dolyares ang reserba ng palitang panlabas ng Tsina sa katapusan ng Oktubre, at bumaba ito ng 55.317 bilyong Dolyares o 1.67% kumpara sa katapusan ng Setyembre.

 

Sinabi ng naturang administrasyon sa isang pahayag, na noong nakaraang buwan, umakyat ang indeks ng Dolyares at bumaba naman ang pandaigdigang presyo ng halaga sa pananalapi, dahil sa mga inaasahang patakaran ng pera at datos ng makroekonomiko sa mga pangunahing ekonomiya.

 

Salin:Salome

Pulido:Ramil Frank